At dahil medyo mahirap magtranslate ng tagalog terms sa english, tatagalugin ko nalang tong post na 'to tutal Pilipino naman ako. Hahaha. Sa totoo lang, ang konti ng vocabulary ko kaya tatagalugin ko nalang para maiba naman.
PAANO?
Nakapanood na ako ng madaming mga pelikula, mga palabas sa TV, nakabasa ng mga articles, libro o storya, nakarinig ng mga hango sa tunay na buhay storya tungkol sa pagkakaroon ng "kabit" o ibang babae/lalaki ng mga may kasintahan o asawa at isa lang ang lagi kong naiisip: "PAANO NILA NAGAGAWANG TALIKURAN ANG MGA TAONG TAPAT NA NAGMAMAHAL SA KANILA?!"
Isang napakasimpleng sabihin na tanong, pero marami ang maaaring maging sagot.
Bilang isang babae, takot ako na mangyari sa akin ang ganitong bagay, lalo na't marami akong mga kaibigan na nakakaranas ng problemang ito, kung hindi man sa kanilang mga kasintahan, ang kanilang mga magulang. Paano nagagawa ng tao na "mangaliwa"? Hindi ba sila nakokonsensya na humanap ng ibang tao para lang maramdaman ang saya? Lalo na yung may mga pamilya, hindi ba sila naaawa sa mga anak nila? Sa asawa nila na pinakasalan at nagmamahal ng tapat sa kanya? Ano nga ba ang pagkukulang ng asawa o boyfriend/girlfriend mo para gawin mo yun sa kanya?
Kapag pumasok ka sa isang relasyon, nandun ang "commitment." Bakit mo papasukin kung hindi ka naman pala handa na mabakuran, na hindi na maging malaya sa mga gusto mong gawin? Kapag ikaw ay nakipag relasyon, lagi mong iisipin ang mararamdaman ng partner mo sa tuwing gagawa ka ng isang bagay o desisyon. Makakabuti ba ito, o makakasama sa inyong dalawa? Lagi mo yun iisipin. Marami kasi satin ang tingin sa pakikipag relasyon ay "short term" lang, o yung panandalian lang, at kapag may nahanap na mas maganda/gwapo o mas cool na tao kesa dun sa present girlfriend/boyfriend nila, iiwanan na. Kung hindi naman, mawalan lang ng oras o panahon, nagbabago na ang "feelings" at naghahanap ng ibang babae/lalaki para bigyan sila ng atensyon at nareresulta sa pagaaway at paghihiwalay. Bakit nga ba hindi tayo makuntento sa kung ano ang meron tayo, sa kung ano ang nandyan? Bakit kailangang saktan ang damdamin ng partner nila? or worse, saktan yung buong pamilya nila? PAANO?
Kung kailangan mo ng atensyon, sabihin mo sa girlfriend/boyfriend/asawa mo, huwag mong itago sa sarili na siyang magdudulot ng pangangaliwa mo, tapos isisisi mo pa sa kanya kung bakit ka nagkaganyan. IT WAS YOUR CHOICE, it wasn't because it just happened. Bakit mo nga ba papatungan ng kasalanan ang isa pang kasalanan? Nagkasala ka na nga na nangaliwa ka, magkakasala ka pa dahil isisisi mo sa partner mo kung bakit nangyari yun? Aba! Matinde ka!
Sa may mga boyfriends/girlfriends diyan, do not be in a relationship just because you feel lonely at this point of time. Kapag nakikipag relasyon ka, isipin mo yung future. Don't settle for less, settle for something that will give you more. Nakikipagrelasyon ka sa isang tao dahil ang tao na ito ay siyang gusto mo na makasama habang buhay, hindi dahil uso lang nag magkaroon girlfriend/boyfriend, o dahil ikaw nalang ang walang karelasyon sa mga kaibigan mo, o dahil gusto mo lang may maipagmayabang sa mga party friends mo. COMMITMENT ang usapan dito, kaya maging totoo ka. Hindi naman masama na magmahal ka eh, pero dapat totoo at sa taong nakikita mong kasama mo sa future. Lagi mong iisipin ang mararamdaman ng isa at lagi mong iparamdam sa kanya na mahalaga siya, na mahal mo siya hindi yung sa umpisa ka lang magaling, pag tumagal, wala na. Magboyfriend/girlfriend ka dahil siya ang gusto mong mapangasawa.
Sa mga ay asawa na, nangako kayo sa isa't isa na mamahalin niyo ang isa't isa, magiging tapat, sa hirap o ginhawa. Kung hindi niyo pala kayang gawin ang pangako niyo, bakit pa kayo nagpakasal?! Kung hindi naman pala ang asawa niyo ang gusto niyong makasama habang buhay, bakit mo pa siya pinakasalan? Kung maghahanap karin naman din pala ng iba, sana hindi mo nalang ginulo ang buhay ng asawa mo. Kung alam mo lang, pwede naman siyang magpakasal sa iba na hindi siya sasaktan at mapapabuti siya, pero pinili ka parin niya para makasama at maging masaya kasama ang pamilya niyo. Kaya sana naman ay wag niyong sayangin ang tiwala at pagmamahal na binibigay nila sa inyo. Isipin niyo nalan yung mga anak niyo, kung ano ang mararamdaman nila.
Sana maging eye opener to sa lahat kahit na pakiramdam ko kulang sa explanation yung mga sinabi ko.
God bless! :)

Comments
Post a Comment