Skip to main content

Posts

Showing posts from May, 2014

Paano?

At dahil medyo mahirap magtranslate ng tagalog terms sa english, tatagalugin ko nalang tong post na 'to tutal Pilipino naman ako. Hahaha. Sa totoo lang, ang konti ng vocabulary ko kaya tatagalugin ko nalang para maiba naman. PAANO? Nakapanood na ako ng madaming mga pelikula, mga palabas sa TV, nakabasa ng mga articles, libro o storya, nakarinig ng mga hango sa tunay na buhay storya tungkol sa pagkakaroon ng "kabit" o ibang babae/lalaki ng mga may kasintahan o asawa at isa lang ang lagi kong naiisip: "PAANO NILA NAGAGAWANG TALIKURAN ANG MGA TAONG TAPAT NA NAGMAMAHAL SA KANILA?!" Isang napakasimpleng sabihin na tanong, pero marami ang maaaring maging sagot. Bilang isang babae, takot ako na mangyari sa akin ang ganitong bagay, lalo na't marami akong mga kaibigan na nakakaranas ng problemang ito, kung hindi man sa kanilang mga kasintahan, ang kanilang mga magulang. Paano nagagawa ng tao na "mangaliwa"? Hindi ba sila nakokonsensya na humanap ng